(Haylee) “IAN, ang ganda nga ng lugar na ito!” namamanghang naibulalas ko nang makarating kami sa pinagdalhan ni Ian sa akin para ipasyal ako. Hindi na raw kasi ako naglalalabas ng bahay kaya kailangan ko ring mag-unwind kahit papaano at mag-relax kahit na one day lang, ‘yan ang sinabi ng doktor, kaya itong si Ian ay dinala nga ako dito sa isang tahimik at magandang lugar somewhere urban… “Nagustuhan mo ba?” nakangiti at magiliw naman niyang tanong. Masayang tumango-tango ako saka excited na naglakad-takbo sa kahabaan ng sunflower garden. “This place is yet to open for public as tourist spot, may contact ako sa owner kaya nakakuha ako ng exclusive pass para mauna na tayong makapamasyal dito.” Kaya pala. No wonder. Ang ganda dito. Bagay na bagay nga itong maging tourist spot. It’s obv