(Haylee) NAGPANTING ang tenga ko sa huling sinabi ni Dominic. Tama ba ako ng dinig? “I’m here and all willing to forget the past and start anew with you, Lee, kasama ng magiging anak natin. Please, please, let’s be a family now. Paninindigan kita.” Tinangka niyang lumapit sa akin para abutin ang kamay ko pero umatras ako at umiling. “No. No… Hindi.” Matigas at mariing sinalubong ko ang kanyang nangungusap na mga mata. “Hindi ko kailanman inisip o hiniling na panindigan mo ako, at ang anak natin. I can raise my child all alone, Dominic, even without you! Hindi ko kailangan ng ama’ng mapipilitan lang na panindigan ang anak niya dahil sa tawag ng responsibilidad. Don’t worry, hindi ako maghahabol ng anuman mula sayo, I am not going to demand anything. Just leave me and my child alone!” Um