(Haylee) “SIGURADO kang magiging maayos ka lang dito habang wala ako, ah?” ang paniniguro ni mama bago siya tumulak para sa kanyang out of town trip good for one straight week. Lumabas kami ng bahay at inihatid ko siya hanggang sa labas ng gate kung saan handa na ang kotse na dadalhin niya sa trip niya. Siguradong ngumiti at tumango ako. “Huwag kayong mag-alala sa akin, ma, kaya ko ang sarili ko at aalagaan ko ng maayos ang sarili ko. Besides, dadalawin at papasyalan naman po palagi ako ni Yvonne, ‘diba? Kaya i-enjoy lang ninyo ang one-week out of town trip ninyo.” May reunion kasi with her elementary batchmates si mama sa school kung saan siya gum-raduate ng elementary, and it’s out of town. She will stay there for a week, at makikituloy para makipagkita sa kanyang mga amiga na ilang