"ALAM na alam ng bruhang Lindsay na 'yon na mapapayag mo si Royce kaya sa'yo siya dumiretso. Ibang klase ang confidence. Por que sikat siya, alam niyang hindi ka rin makakatanggi." "Hindi naman dahil sa sikat niya kaya ako pumayag sa hiling niya. Gusto ko lang ipakita na hindi ko para ipagdamot ang oras ni Royce sa isang kaibigan. Hayaan mo na 'yon, Thelma. Isang beses lang naman siguro siya ma-e-engage. Pupunta na lang kami para matapos na. Suporta ko na rin kay Royce para hindi siya mag-guilty at walang masabing masama ang angkan ni Lindsay sa kanya." "Kunsabagay. Pero... plano ko kasi talaga na puntahan ka at makausap." Sinundan ni Thelma ng malalim na buntung-hininga ang sinabi. Na-curious tuloy ako kung bakit. "Tungkol saan? Hindi ba pwedeng sabihin mo na rito sa phone? May problem