KAHAPON ng hapon ay si Kuya Ram ang bumisita sa akin sa greenhouse. Sa umagang iyon, nagulat ako nang madatnan si Don Miguel sa loob mismo ng aming opisina. Siya lang ang tao roon. Wala si Rodge dahil nagpaalam siya kahapon kay Carlito na male-late nang ilang oras. Sa una'y hindi ko malaman kung tutuloy ako o hindi. Subalit nakamata sa akin si Don Miguel at halatang nag-aabang. Sigurado naman din ako na ako talaga ang kaniyang pakay. Dahil kung hindi ay si Carlito dapat ang kausap niya, pero naroon ngayon ang huli sa mismong greenhouse at inaasikaso ang dumarating na mga customers. Walang ibang dahilan ang pagpunta roon ng Lolo ni Royce kundi ang kausapin ako kaya wala akong pagpipilian kundi ang pumasok at harapin siya. "Good morning po," bati ko sa matanda. Alam kong hindi ko naman k