Huling Kabanata

1780 Words

NAIRAOS nang tahimik ang libing ni Itay. Naroon kami hanggang sa huling sandali at hindi inalintana ang malamig na pakikitungo sa amin ng mga kamag-anak niya. Pare-pareho lang naman kaming nalulungkot at walang may gusto ng nangyari. Pero lahat ng masasakit na pagtrato ay tiniis ni Tita Josie. Hindi ko nga alam kung saan niya hinuhugot ang tatag at kabutihan ng puso. Ilang taon din naman siyang nagtiis sa piling ni Itay. Pero hindi niya iyon isinumbat sa mga kapatid ni Itay na kung tingnan siya ay parang siya pa ang may kasalanan sa pagkamatay ng asawa. "Salamat, Tita. Hindi mo kami iniwan ng mga kapatid ko. Pangako, aalagaan kita. Sisikapin kong mapasaya ka at sana ay malimutan mo na ang masasakit na dinanas mo sa piling ni Itay. Tayo nina Iking at Waldo." "Dati mo pa naman ako inaalaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD