"SIR Royce, Chairman Edades is waiting in your office. He wants to talk to you." Hindi ako agad nakaimik sa ibinalita ng sekretarya ko. Bagaman may hinala ako kung tungkol saan ang pag-uusapan namin, hindi ko inaasahan na sasadyain ako ni Lolo para roon. "Okay. Thanks," I told my secretary and then went straight to my private office. Matagal-tagal na rin mula nang huli kaming nag-usap at tungkol lang iyon sa kompaniya. The last time Lolo and I talked about family matters ay nang sabihin kong pakakasalan ko si Chay at bubuuin ko ang pamilya naming dalawa. Nakaupo si Lolo sa sofa at doon naghihintay. Isinarado ko ang pinto ng opisina bago lumapit. Nakatuon ang tingin niya sa akin. "Good morning, Chairman. Gusto mo raw akong makausap," pormal na bungad ko. "Yes. Please sit down." T

