"WELCOME home, Mama!" salubong namin sa bagong dating sa pangunguna nina Kuya Russel, Kuya Rick at Ate Faith. Nakangiti si Tita Jona nang pumasok ng bahay. Inaalalayan siya ni Papa na mas malaki na ang improvement ngayon sa pagkilos at pagsasalita. Nasa isang gilid naman ako nakatayo at nakayakap ang isang braso sa baywang ni Royce. Nakaakbay naman sa akin ang aking mister. Kami lang mag-asawa ang bumiyahe pauwi sa Talisay Norte. Ni isang anak ay hindi na kami nagsama dahil biglaan din ang balita na makakalabas na si Tita Jona pagkatapos ng halos tatlong taon na pagkakakulong. Bukod sa amin ni Royce ay naroon din sa living room ang anak nina Kuya Rick at Ate Faith na buhat ng yaya nito. Kasama din namin na sumalubong sa pagdating ni Tita Jona sina Ate Terya at Mildred. "Ang apo ko! Mal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


