Kabanata 56

1739 Words

"HINDI pwedeng hindi ka magsalita, Chay. Kailangang linawin mo ang tungkol sa kanila ni Lindsay," wika ni Thelma. Sa buong maghapon ay nakailang tawag yata siya. Hindi ko nasagot dahil busy ako sa trabaho. Ngayong may pagkakataon, ako ang tumawag sa kaniya para sabihing hindi kami natuloy sa pag-alis ni Migo. Wala na rin siyang dapat ipag-alala na magpapakasal ako kay Mr. Gardiola. Sinabi ko sa kaniya na nagkaliwanan na kami ni Royce tungkol sa pangalan ni Migo at hindi nila ipipilit sa akin na palitan ang apelyido ng anak ko maliban na lang kung ako ang may gusto. Subalit hindi lang ang tungkol kay Migo ang pinag-uusapan namin ngayon. Inamin ko rin sa kaniya na nagkabati na kami ni Royce. Kinwento ko rin na sinundo ako ni Royce sa trabaho at sa villa ito natulog kasama namin kagabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD