NAGULAT si Tita Josie sa ibinalita ko. Lumampas ang tingin niya sa akin at dumako sa kung nasaan ang taong laman ng aming usapan. "Tama ba ang dinig ko, Chayong? H-hindi kamo totoo na magpapakasal sina Royce at Lindsay? Wala silang relasyon?" Tumango ako. Napasulyap na rin ako kay Royce na nasa living room at kasalukuyang nilalaro si Migo. "Kung gano'n ay walang problema kung magbalikan kayo at ayusin ang relasyon n'yong dalawa." "'Gano'n nga siguro, Tita. At... sa totoo lang, masaya ako sa nalaman ko. Masaya ang pakiramdam ko ngayon." "Hindi masama na maging masaya ka, Chayong. Sa dami ng hirap na dinanas mo, dapat lang naman na maging maligaya ka na. Ano pang sinabi ni Royce? Nabanggit ba niya na pakakasalan ka rin niya?" Natahimik ako sandali. "W-wala po siyang nabanggit." sagot