Kabanata 60

1741 Words

"HINDI kita masisisi kung magagalit ka man sa akin," simula ko. Kararating lang namin noon sa villa. Pagkatapos ng komprontasyon sa mansion ay niyaya ko na ring umuwi si Chay. I feel so guilty. Natakot pa ako na baka hindi na sumama sa akin si Chay pauwi ng villa, pero hindi gano'n ang nangyari. Tahimik siyang sumunod sa akin karga si Migo. "Nagsinungaling ka ulit sa akin, Royce. Ang sabi mo napasubo ka lang at wala talagang rason ang pagpapanggap mo. Ang sabi mo hindi mo intensyon na lokohin kami at hindi mo na naitama ang paniniwala nina Papa." Marahan siyang nagbuga ng hangin. "Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa pag-uusap natin noong umagang 'yon. Dahil hindi ka na naman naging totoo. Pinlano mo ang lahat. Sinadya mong mahulog ang loob ko sa'yo para gamitin ako laban kay Papa. Kaya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD