MAY maliit na ngiti sa mukha ni Royce nang tingnan ko ito. Hinayaan ni Papa na makapag-usap kaming dalawa. Sa kabila ng nalaman nila ni Kuya Russel ay binigyan niya ng pagkakataon si Royce na manatili roon para mapakinggan ko ang anumang sasabihin. Lumabas sila ng kwarto ni Kuya Russel at iniwan kami. Pinanatili ko na lang ang distansiya sa pagitan namin nang kami na lang ang naroon. Yakap-yakap ko ang sarili ko na parang pinipigilang lumapit kay Royce. Baka kasi traydurin ako ng puso ko at bigla na lang yumakap dito. "A-anong sasabihin mo?" bungad ko. "Simulan mo na bago pa magwala ulit si Kuya Russel." Narinig ko ang marahang pagbuga niya ng hangin. "Didn't you miss me?" Natigilan ako saglit at nagkunot ng noo rito. "Nagpasuntok ka ba sa kuya ko para lang itanong kung na-miss kita?"