“FANNY! Anong nangyari dito? Bakit ganito ang output?!” sigaw ni Halina na ikinatalima ng secretary.
“Miss Halina,”
Tinuro niya ang new design nilang ipinatong nito kanina. “‘Yan ba ang ni-request ko, huh? Hindi, ‘di ba?”
“‘Yan po ang finorward sa akin ni Olivia na i-approve niyo raw. I thought okay na po ‘yan.”
“Damn! Pang-grade one naman na gawa ‘yan! Ang linaw-linaw ng instruction ko tapos ibibigay niya sa akin nang malayo sa sinabi ko?”
“Ipapaulit ko na lang po sa kanya.”
Napahilot siya sa noo. “God, wala na tayong oras, Fanny. Sa Wednesday na ang meeting!”
“Tanong na lang po ako sa design team kung merong may kaya.”
“Yes, please.” Sumandal siya at inihinga ang ulo sa headrest. Nang may naalala ay nagpahabol siya sa secretary. “Except him,” paalala niya rito.
“Noted, Miss Halina.”
“Ay, wait! Ako na lang!” Tumayo siya. Mahirap na baka si Goddy ang madala nito.
Nagmadali siyang pumunta sa department nila Goddy. Napaikot siya ng mata nang makita ito, tumayo pa talaga para salubungin siya.
Nilagpasan niya ito at tinanong ang matagal na niyang empleyado. Tinanong niya kung nasaan si Bobbet. Nasa canteen daw ito kaya sinabi niyang papuntahin sa opisina niya.
At habang hinihintay ang pinatawag ay nakinig muna siya ng music. Nakaidlip pa siya. Nagising lang siya sa katok ni Fanny.
Napaayos siya ng upo nang makita ang hinahanap niya kanina.
“Good to see you, Bobbet.” Inilapag niya ang sketch ng inang si Ayeisha. “Kaya mo bang matapos ito mamaya or bukas ng umaga?”
Kinuha ni Bobbet ang original file ng ina. “S-sa Illustrator po ba?”
“Yes. Kaya mo ba?”
“K-kaya ko naman po, ma’am. Kaso hindi po ganoon kabilis.”
“Okay lang. Mga ilang days mo pwedeng trabahuhin ito?” May isa pang app ang mga ito na ginagamit. Marahil doon ito sanay.
Kita niya ang paglunok nito. “Two to three po.”
“What?! Anong klase ‘yan?”
“H-hindi naman po ako gamay dyan, Miss Halina. ‘Yong pinalitan po ni Goddy po ang laging gumagawa kapag—”
“I know! Pero bakit hindi niyo kaya? My God! Hindi ko alam na ganito kayo kakupad!”
“M-marami pa po kasi akong dapat na tapusin kaya hindi ko–”
“Get out!” sigaw niya na ikinakamot nito sa ulo.
Mas lalong nadagdagan ang inis niya. Akala niya, kakalma na siya nang makinig ng music at makaidlip, hindi pa pala.
Muli niyang pinatawag si Olivia. Namamaga na ang mata nito kaya napailing siya. Ang babaw naman pala ng luha nito.
“Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, Olivia. Dahil kung hindi, huling araw mo na ito. Tapusin mo ngayon. Hindi ka uuwi—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang humikbi ito.
“Tama na, Olivia. Basta tapusin mo lang ito at sa maayos dapat, hindi naman na magagalit si Ma’am.”
“Kaya ba, Olivia? Huh?”
Hindi ito nakasagot kaya naikuyom niya ang kamay niya.
“Wag mo akong idaan sa iyak, Olivia. Hindi kita pinapaiyak. Sagutin mo lang ang tanong ko. Kaya mo bang matapos ito mamaya?”
“H-hindi po, ma’am.” Sinundan nito nang hagulhol kaya tumaas ang dugo niya.
“God!”
Napapikit siya. At saktong pagmulat niya, nakita niya si Goddy na tumulak ng pintuan. Lalong lumala ang inis niya ng mga sandaling iyon. Talagang pumasok si Goddy at gusto siyang makausap kaya pinalabas niya si Fanny at Olivia.
***
“SPEAK,” ani ni Halina kay Goddy.
“Gusto ko lang itanong kung bakit namemersonal kayo, ma’am?”
Natawa ito nang mapakla. Sumandal pa ito sa upuan nito at tiningnan siya nang masama.
“How dare you?! Paano kita pine-personal, Mr. Vásquez? Eh ‘di, sana tanggal ka na kung pinersonal kita!”
“Hindi mo nga ako tinanggal, pero wala ka hong binibigay na gawain sa akin. If I remember, under niyo ang pinalitan ko. Kaya nga ho ako nagkaroon ng sariling office. Tama ho ba ba? Kaya paanong hindi ko masasabi? Dahil sa nakaraan natin? Nagagalit ka dahil hindi ikaw ang ginusto ko.”
Bigla itong natawa nang malakas kaya natigilan siya. Napatitig siya rito. Tumatawa ito pero iba ang padama ng mga mata nito.
“Makapagsalita ka parang may nakaraan nga tayo. Dang, Goddy!” Tumayo ito at humakbang papunta sa kanya. Napalunok siya nang biglang nitong ipatong ang kamay sa balikat niya.
“Let me remind you, Mr. Vásquez, wala tayong nakaraan. That girl, Halina? She’s gone, Mr. Vásquez. So stop dragging your past to me—coz I don’t fvcking care,” matigas na sambit nito sa pabulong, sabay lakad palabas ng opisina nito.
Kagat ang labing nilingon ni Goddy si Halina. Unti-unting nawawala na ito sa paningin niya.
Kahit hindi aminin ni Halina, alam ni Goddy na may galit ito sa kanya.
Lumabas si opisina nito na nakatingin lang sa baba. Pag-angat niya, napansin niya ang mga tingin ng mga staff nito sa kanya. Wala roon si Fanny pati ang bagong hire ng dalaga. Kahit ito, wala rin.
Sa maghapon, nanlilimos si Goddy ng gagawin sa labas ng opisina niya. Wala na siyang magawa dahil wala nang naibigay ang mga ito. At ganoon lang din ang ginagawa niya ng mga sumunod na araw. Mas lalong nawalan siya ng ginagawa kaya umabot na siya sa ibang department. Sa IT department. Tumutulong siya kapag may tino-troubleshoot ang mga ito. Pero hindi niya pa rin gusto.
Hanggang sa matapos niya ang dalawang linggong pagtatrabaho sa A&K, walang pagbabago.
Palabas ng building si Goddy nang makatanggap ng tawag sa nagbabantay dito na nagtangka ito umanong magpakamatay.
Simula nang malaman nitong hindi na ito makakalakad ay naging tahimik na ito. Ni hindi nga niya malaman ang saloobin nito. Hindi na ito ang dating kapatid niyang sobrang daldal. Pero nakikita niya ang sakit at disappointment sa mga mata nito.
“Kumusta si bunso, Ate?”
“Tulog na siya. Kanina ko lang din siya nakitang umiyak nang ganoon, Goddy. Mukhang kailangan ng kapatid mo ang new environment. Sa tingin mo?”
Napabuntonghininga siya at tumingin dito.
“Bukas po, tanungin ko na lang kung gusto niya bang iuwi ko siya sa probinsya. Ako naman po ang magbabantay sa kanya.”
“Mas maiging sa probinsya nga. Para pati ang hangin ay presko din. Bago rin ang mga makakasalamuha niya.”
“Sa totoo lang, matagal ko nang iniisip po ‘yan. Balak ko po kasing kumuha ng part time since hindi naman po nakakapagod ang pwesto ko ngayon.”
Tumango-tango ito sa kanya.
“Ang tanong ba, may magbabantay ba sa kanya roon?”
“Marami naman po kaming kamag-anak doon. Saka magbabayad naman po ako kung sakali.”
“Sabagay.” Ngumiti ito sa kanya. “Paano ba ‘yan, maiwan ko na kayo.”
“Sige ho, ingat.” Hinatid niya si Ate Sabel sa labas at sinara na ang gate.
Tumigil siya at iginala ang tingin. Mukhang kailangan niyang kumuha ng mas maliit pa rito kapag naiuwi niya ang kapatid. Matagal na niyang gustong sabihin sa kapatid pero nag-aalala siyanh baka hindi nito magustuhan. Pero tama si Ate Sabel, baka kailangan nito ng panibagong environment.
Linggo noon kaya siya ang bantay ng kapatid. Dinala niya ito sa labas para doon magpaaraw.
Seryoso lang itong nakatingin sa kawalan. Sinamantala niyang kausapin ito.
“Bunso, gusto mo bang umuwi sa Pangasinan?”
Tumingin ito sa kanya. “Kay Tatay?”
Malungkot siyang tumango. “Gusto mo ba? Marami ka namang kakilala roon. Baka mag-enjoy ka roon. Hindi talaga kasi kita matututukan dahil kailangan niyo ng maintenance ni Tatay. Paano kayo gagaling?”
“S-sige, Kuya. Gusto ko pong umuwi.”
Kinabig niya ito at hinalikan sa ulo.
“Magpapaalam lang ako. Baka sa katapusan or mas early pa dyan. Okay ba?”
Ngumiti sa unang pagkakataon ang kapatid. Pero saglit lang iyon kaya hindi niya maiwasang malungkot.