Chapter 7: I need your help

1611 Words
NAGSAWA na si Halina sa result na pine-present ni Olivia kaya nagpasya siyang maaga na lang uuwi nang araw na iyon. Monday na Monday, badtrip siya. Isang araw na lang kasi, Wednesday na. Dumaan siya sa design team nila para i-check na rin ang gawa ng mga ito. Nag-half day lang kasi si Fanny dahil naospital nga ang ina nito. Si Irma naman, may mga pinagawa siya kaya hindi na niya inabala. Usually, sinasalubong siya ni Goddy kapag pumapasok sa department nito. Pero nang mga oras na iyon, hindi nito ginawa. Kaya naman tumingin siya sa opisina nito. Patay ang ilaw. Wala rin ito sa tabi ni Bobbet kaya nakakapagtaka. “Wala po si Goddy, ma’am. Hindi po pumasok.” Mabilis na binaling niya ang tingin niya sa isang staff niya. “I’m not asking,” aniya. “Pakisabi sa lahat, ‘yong mga pinapaayos ko para sa Wednesday. Alright?” “Noted po. Announce ko na lang po sa kanila.” Hindi na siya sumagot, tumalikod na siya. Pakiramdam niya kasi ng mga sandaling iyon ay napahiya siya. Inaayawan niya ang presensya ni Goddy, pero heto, hinahanap ng mga mata niya. Dahil tinamad siyang magmaneho, nagpahatid siya sa company driver nila. Nasa biyahe siya nang makatanggap nang email mula kay Fanny. Marami itong sinabi pero tumagal ang mata niya tungkol kay Goddy. Wala raw itong pinasa na leave form kaya hindi nito alam kung bakit wala si Goddy. “Wala naman akong tinanungan kung bakit wala si Goddy, a?” naisatinig niya. Napatingin tuloy sa kanya ang driver niya. Pero nang makita ang mga tingin niya ay agad nitong binalik ang tingin sa daan. Pagdating ng condo niya ay hinarap niya ang computer niya. No choice, siya ang gagawa na lang kay sa ma-stress. Pero inabot na siya ng alas diyes ng gabi, hindi pa siya nangalahati. At nang mapagtanto, hindi maayos ang pagkakagawa niya. Walang pinagkaiba kay Olivia kaya napasigaw siya sa inis ng mga sandaling iyon. Natigilan siya nang maalala si Jai. Hinanap niya ang numero nito sa phonebook niya. Subalit wala siyang makita. Baka na-delete na niya. Si Kalei ang tinawagan niya para hinigin ang numero ni Jai. “Bakit mo ba kasi gustong kunin?” “May itatanong lang ako sa kanya.” “May itatanong o may ipapagawa?” Sinundan nito ng tawa sa kabilang linya kaya nakaramdam siya nang inis. “Ibigay mo na nga lang!” “Wala siya. Kasama siya sa pinadala sa may San Francisco.” “Ano ba ‘yan! Baka may extra kang tao dyan na pwedeng makatulong sa akin.” Saglit na nag-isip ang kakambal. “May kilala ako, e. Gusto mo ba?” “Gusto, siyempre. Paki-send na lang. Ay, hindi pala. Pwedeng papuntahin mo rito? Para ma-instruct ko nang maayos ang mga dapat gawin.” “Copy that. Good night!” Dahil sa sagot ni Kalei ay nagpasyang tumayo siya at nagpahinga. Dahil hindi siya kumain ng dinner, lumabas muna siya. Mga isang oras pa raw bago makarating ang nirekomenda nito. Naglakad-lakad si Halina sa labas para maghanap nang makakain. Nauumay na siya sa mga ino-order niya kasi online. Napansin niya ang maraming taong labas-pasok sa isang kainan kaya na-curious siya. Hindi naman iyon mamahalin. Parang karinderya lang. Pero maraming customer kaya nakuha nito ang kuryusidad niya. Isang bulaluhan iyon kaya napa-order siya. May kanin naman siya doon kaya iyon lang ang binili niya. Saka mainit-init ang sabaw kaya tama kang sa kanya. Bitbit ang plastic na may lamang bulalo at leche flan ang dala niya nang umakyat siya. Sakto lang siguro ang dating ng tutulong sa kanya. Sa sala niya siya kumain. Nakalatag pa ang mga iyon habang nanonood siya ng movie. Hindi pa siya tapos nang makatanggap nang tawag mula kay Kalei. Nasa labas na raw umano ang makakatulong sa kanya. May tiwala siya sa kinuha ni Kalei kaya binuksan niya lang ang pintuan gamit ang app sa cellphone niya. “Tuloy po!” aniya at nagmadaling tumayo para ligpitin ang mga ginamit. Yakap-yakap niya ang serving bowl na may lamang bulalo at sa kabila naman ng kamay ay ang plato nang makita ang lalaking papalapit sa kanya. Tumingin ito sa hawak niya pagkuwa’y nagsalita. “Good evening, ma’am,” bati sa kanya ni Goddy. Parang gusto niyang sumigaw ng pangalan ni Kalei ng mga sandaling iyon. Pero pinigilan niya ang sarili niya. “Ikaw ba ang pinadala ni Kalei?” pormal na tanong niya. “Opo, ma’am.” “I’m sorry sa abala, Mr. Vásquez, pero okay na pala. Hindi na pala kita kailangan.” Bahagyang kumunot ang noo ng binata. “Seryoso po kayo, ma’am?” “Fvcking serious, Mr. Vásquez.” Ngumiti ito nang mapakla sa kanya. “Alam niyo po bang iniwan ko ang kapatid kong may sakit para lang puntahan kayo rito? Tapos sasabihin niyo pong okay na? Hindi po ba obvious na gumaganti kayo sa akin?” Halata ang sama ng loob nito sa kanya. “I’m sorry. Okay? I-add na lang as overtime ang pagpunta mo rito. You can go now.” Yari talaga sa kanya si Kalei mamaya. Hindi na talaga pwedeng pagkatiwalaan ang kapatid niya! Hindi na ito nagsalita. Tumalikod din ito agad kaya hinatid na lang niya nang tanaw. Nang marinig ang pag-lock ay binaba niya ang hawak sa center table at dinayal niya ang numero ni Kalei. “Sa susunod na ipadala mo ulit si Goddy rito, malilintikan ka sa akin!” sigaw niya rito. Kasunod din niyon ang pagpatay ng linya. Hindi na niya ito pinagsalita pa sa sobrang inis sa kapatid. Hangga’t maaari talaga, ayaw niyang humingi nang tulong kay Goddy. Kahit sabihing bayad ng kumapanya nila, hindi pa rin niya gusto. Mas gugustuhin niyang siya ang gagawa o magpapagawa siya sa iba kay sa ipasa rito. Hindi naman nakatulong ang kakambal kaya bumalik siya sa paggawa. Pinagpatuloy niya hanggang alas tres ng madaling araw. Subalit hindi talaga acceptable sa paningin niya kaya tinulugan na lang niya sa sobrang inis. Late siyang nagising kinabukasan kaya tanghali na siya nang pumasok. Nakasuot siya ng dark glasses dahil kitang-kita sa baba ng mata niya ang pangingitim. Light lang siya kung mag-makeup kaya halata pa rin. Kaya para siyang a-attend ng burol nang araw na iyon. Itim din kasi ang dress niya. SAMANTALA, maaga pa rin namang gumising si Goddy kahit na late na natulog. Binantayan niya ang lagnat ng kapatid kaya wala siyang gaanong tulog. Hindi siya papasok ngayon sa opisina. Nakapag paalam naman na siya kay Kalei, at ito na raw ang bahala. Bilang bayad raw nito sa ginawa ng kakambal nito kagabi. Nainis lang siya kaya niya nasabi iyon kay Halina. Kasi naman, iniwan niya ito sa iba para lang puntahan ang rush na ipapagawa ni Halina. Tapos sasabihin nito, okay na? Halata naman na naghihiganti na ito sa kanya. Hindi pa ba ito kontento sa pang-iinsulto nito sa kakayahan niya? Hindi naman siya literal na ininsulto, pero sa ginagawa nitong pambabalewala sa kanya, iyon ang nararamdaman niya. Hindi ba nito alam na isa siya sa pinag-aagawan ng mga kumpanya? In-demand siya sa bilis at quality na mga design. Maliban dyan, may knowledge din siya sa programming. Pero mas gusto niya ang pagde-design. Kaya dapat matuwa ito. Para gumaling ang kapatid, pinaarawan niya ito. Nilibot pa nila ang barangay nila para malibang naman ito. Wala rin kasi ang nagbabantay rito kaya talagang a-absent ulit siya. Balak niyang bukas bumalik. Halata ang saya sa mukha ng kapatid nang makabalik sila. Kaya naman isa-suggest niya sa bantay rito na gawin iyon araw-araw, maliban sa tag-ulan. Maghapon din silang nag-bonding na magkapatid kaya nagkaroon din ng kulay ang mukha ng kapatid. Nami-miss din pala nito ang ginagawa nilang bonding lagi. Sayang lang at wala rito ang Tatay nila. “Hamo, kapag gumaling na kayo, magsasama-sama ulit tayo. Sa ngayon, tiis-tiis muna na malayo tayo sa isa’t-isa.” Tumango ang kapatid niya sa kanya. “Mag-resign ka na rin?” “Kapag nakaipon, susunod ako sa probinsya para magtayo ng negosyo. Balak kong kumuha ng pwesto sa bayan para may pagkukunan pa rin naman tayo ng hanapbuhay.” Ilan lamang ‘yan sa napag-usapan nilang magkapatid kanina. Bumuo na nga sila ng pangarap na magkanegosyo kaya gusto na rin nitong makalakad uli. At gusto nitong umuwi para doon magpagaling. Para makapokus din daw siya sa trabaho. Laking pasalamat niya dahil parang nagkakaroon nang direksyon ulit ang buhay nito. Pagkatapos ng dinner nilang magkapatid ay hinatid na niya ito sa higaan nito. May TV naman sa silid nito kaya doon na ito nagpapaantok. Tumingin siya sa wall clock nila. Pasado alas nuebe na pala ng gabi. Kailangan niya pang magplantsa ng susuotin bukas kaya inihanda niya na iyon sa sala. Tinanggal niya ang flowerbase sa center table. Doon kasi siya nagpaplantsa talaga. Sinilip niya ang kapatid bago bumalik sa sala. Nang makita itong tulog na ay pinatay niya ang tv. Sinara na rin niya ang bintana nito dahil sa lamig na hangin na pumapasok. Kakasara niya lang ng pintuan ng kapatid nang makarinig nang sunod-sunod na doorbell. Sumilip siya sa bintana para tingnan kung sino iyon. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang babaeng nakatayo doon. Mukhang banas-banas dahil sapo nito ang ulo. Nakita niyang tumalikod ito pero muli ring humarap at pinindot ang doorbell. Lumabas siya at pinuntahan ito. “Napadaan ho kayo, ma’am?” aniya rito. Kinagat nito ang labi sabay kamot sa batok nito. “I-I need your help,” hirap na sambit nito. Napataas lang siya ng kilay kaya muli itong nagsalita. “Please?” anito na bahagyang ikinaawang niya ng labi. Wow. Si Halina Hernandez, nag-please sa unang pagkakataon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD