CHAPTER 23: Welcome to the Family

1454 Words

Ria Peñaflor "Mommy has been crying since yesterday when she heard the wonderful news," nakangiting sabi ni Ma'am Micah. Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain. Hindi ko naman malaman kung paano ngingiti sa harapan nila. Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking mukha. "Naiyak ako dahil sa kuya niyo," sagot naman ni Ma'am Mhina. "Kasi alam kong napakasaya na niya ngayon, tapos na ang limang taon niyang pagluluksa at paghihinagpis. Alam niyo 'yan—nakikita niyo 'yan sa kanya... Hindi niyo alam kung gaano kahirap sa akin bilang ina na makitang nahihirapan ang mga anak ko. Masayang-masaya rin akong malaman na mayroon na kaming tunay na apo ng daddy niyo." Nilingon nila si Daeria na ngayon ay maganang kumakain sa tabi ni Daemon at Ma'am Mikelah. Hawak niya ang isang legs ng fried chicken.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD