Ria Peñaflor TEN na ng gabi nang makaalis ang pamilya ni Daemon. Nagkulitan pa rin sila kanina ni Daeria sa sala. Nalaman kong si Daemon pa lang pala ang may asawa na sa magkakapatid. Pare-parehong single pa rin sina Ate Micah, Ate Mikelah at Morris. Marami pang ipinayo sa akin si Mommy Mhina bago sila umalis. Hanggang ngayon nga ay parang nakalutang pa rin ako sa ulap dahil sa sayang nararamdaman ko. Hindi ko lang akalain na ganun kainit ang magiging pagtanggap nila sa akin, na ipinaparamdam nila sa aking mas gusto nila ako kaysa kay Lucinda. Kailanman ay 'di ko naisip na mangyayari ito. Noon ay tinitingala ko lang sila. Pero ngayon, parte na rin kami ni Daeria ng pamilya nila. "Bukas na lang 'yan, hon." Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Daemon mula sa likod ko. Abala ako s

