Erlinda "WILL you marry me?" Bigla akong natigilan nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at maglabas ng singsing, na hindi ko napansin kung saan niya kinuha. Nagde-dessert na kami ngayong gabi dito sa kama. Hindi kaagad ako nakapagsalita, at halos bumara pa nga sa lalamunan ko ang kinakain ko. Pinilit ko itong lunukin. Hindi ko maalis-alis ang mga mata ko sa kumikinang na diamond ring na 'yon na mukhang hindi basta-basta ang presyo. Ramdam ko ang napakabilis na t***k ng puso ko. "P-Paanong ... m-may singsing ka na?" tanong ko sa kanya. "I bought it yesterday while you were at the salon," nakangiti niyang sagot. "Watching you as they were fixing you up … I realized I didn’t want to let another day pass without hearing you say yes … for this... Wala na akong ibang hahanapin pa. You

