Erlinda "CONGRATULATIONS!!!" Nangibabaw sa buong kabahayan ang malalakas na bati nina Ma'am Ria, Nida at Belen nang makita na nga nila ang suot kong singsing. "Aaaccckkk! Nakakakilig!" tili pa ni Nida habang pumapalakpak. "Ang ganda ng singsing mo, Ate Erlin! Isanla natin." Bigla kaming natawa sa sinabi niya. "Hindi pa naman ako late sa pagbati, right?" Napalingon kami kay Sir Dandan na bumababa ng hagdan. Nagulat naman ako dahil akala ko ay wala siya rito sa bahay! Masaya siyang lumapit sa amin. "Congratulations, Pare," bati niya at nauna nang nakipagkamay kay Jonnel. "Thank you," nakangiti namang sagot ni Jonnel. Bumaling sa akin si Sir Dandan at nakangising inilahad rin ang kamay niya. "Congratulations, soon-to-be Mrs. Arreza." Namula ng husto ang aking mukha. Sobrang hi

