Jonnel "Anak, ano namang naisip mo at pakakasalan mo siya? Yaya siya ni Lucia... Hindi ba nabibigla ka lang?" Napangiti ako. "Gusto siyang maging mommy ni Lucia, Mom ... at kailangan din namin siya sa buhay namin." "Yon lang ba ang dahilan? Kailangan niyo nang mag-aaruga sa inyo?" "Mom, it's not like that. She's special to me. I have feelings for her." "And her?" she quickly asked. "Pumayag rin ba siya kaagad?" "Yes." Bumuntong-hininga siya ng malalim at muling sumandal sa sofa. Mukha siyang disappointed. "Anak, hindi naman sa ... nag-o-overthink ako, pero alam mo naman ang nangyari sa nakaraang dalawang babaeng nakarelasyon mo noon. Dahil wala kang maipagmamalaking yaman sa buhay noon kaya ka nila iniwan. Siyempre, ngayong nasa ituktok ka na—" "Mom, hindi ganun si Erlinda," agad

