CHAPTER 70: Doubts Before Meeting His Mama

1659 Words

Erlinda "CHEERS!!!" Umingay ang mga baso naming hawak nang sabay-sabay namin silang pinagsalpok sa isa't isa sa ere. Isinali na rin ni Sir Dandan sina Nida at Belen sa selebrasyon. Ang dalawang bata ay nasa sala. Nanonood sila ng cartoons habang nagme-merienda. Kami naman ay naririto lamang sa dining table at natatanaw sila. Puno ng iba't ibang klase ng pagkain at inumin ang mesa kaya naman busog na busog kami. "Para sa bagong mundong haharapin ni Erlinda sa Sydney, Australia!" sigaw ni Sir Dandan habang itinataas pa rin sa ere ang baso niya. 'Di ko naman mapigilang pamulahan ng mukha dahil sa labis na hiya. "Yessss!" sigaw naman ni Nida habang nakataas sa ere ang isang braso. Agad rin niyang tinungga ng sunod-sunod ang alak niya. "To my beautiful future bride," turan din ni Jonn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD