Erlinda "I love you, baby ... and if it's quite all right. I need you, baby..." Ilang beses niya akong inikot-ikot habang kumakanta at hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako habang sinasabayan siyang sumayaw. Sinasabayan niya ang musikang Can't take my eyes off you by Frankie Valli na pumapailanlang pa rin sa paligid pero mahina na ito ngayon dahil hatinggabi na at tulog na ang mga kasama namin dito sa bahay. Bukod-tangi kay Belen na ngayon ay nahimasmasan na at naghuhugas na ng mga plato sa kusina. Pero ako na ang naglinis dito sa dining area ng lahat ng kalat. Tanging tasa na lamang ng kape ni Jonnel ang nasa mesa na pinagsasaluhan naming ubusin ngayon. Pero heto, hindi pa rin siya matigil sa pagsayaw at pagkanta. Para bang ang saya-saya niya ngayon. "I love you, baby..." kanta ni

