Erlinda HINDI ako mapakali. Ilang ulit ko nang kinalkal ang mga damit ko na iilang piraso lang naman dito sa closet, pero wala talaga akong makitang maayos na pwede kong isuot ngayon. Kung bakit naman kasi hindi sinabi ni Sir Dandan na hindi na pala kami babalik sa Marikina. Eh, 'di sana, hinakot ko lahat ng damit ko! Kahit papaano ay may maaayos akong damit doon dahil namimili naman ako paminsan-minsan. Sa tuwing ipinapasyal kasi ni Sir Dandan noon si Lucia ay nakakapagsuot ako ng maayos na damit at hindi uniform. Hay, kailangan kong makuha ang lahat ng damit ko doon. Ano kaya kung dumaan kami doon ngayon? Tama! Tatawagan ko si Ruby! Ipapaimpake ko sa kanya ang mga natitira ko pang gamit doon at dadaanan na lang namin mamaya. Pero kailangan ay masiguro ko munang wala roon si Madam Lu

