Erlinda "Did you say yes already, Mommy?" mahinang tanong ni Lucia. "H-Ha?" Natigilan naman ako at mas lalo pang napanganga. Isa-isa akong napatingin kina Ma'am Ria, Sir Dandan at Sir Jonnel na nakatingin rin sa akin at tila naghihintay ng sagot ko. Sa huli'y marahan akong umiling habang nakatitig kay Lucia. "Why not po? Don't you like Daddy?" "H-Ha? I-It's not like that, anak..." Pakiramdam ko ay maiihi na ako mula sa kinauupuan ko. Bakit naman kasi sa ganitong sitwasyon pa nagtanong si Sir Jonnel. Paano pa kami makakakain ng maayos nito? "Why haven't you said yes yet?" muling tanong ni Lucia. "Say yes already, Mommy. So, we can have a family too. Pogi naman si Daddy ko, eh." Bigla na lamang silang tumawa, lalong-lalo na si Sir Jonnel. Pakiramdam ko naman ay sasabog na ang mukha ko

