CHAPTER 53: Will She Say Yes?

1407 Words

Erlinda "Mommy, sige na po!" malakas nang sabi ni Lucia habang hinihila na ang laylayan ng blouse ko. "O-Oh, s-sige... sige na." Wala na akong nagawa kundi ang umupo na rin sa silyang hinila ni Sir Jonnel kanina, sa tabi ni Lucia. Nakita ko ang pagngiti nila, maging ni Sir Jonnel habang umuupo na rin sa kabilang tabi ni Lucia. "Mommy mo na si Yaya?" tanong pa ni Daeria kay Lucia. "Hmm." Agad namang tumango si Lucia. “She’s my mommy starting today. I don’t want my old mommy anymore. I’m going to forget her.” Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Hindi naman yata tama ang gagawin niya dahil mommy pa rin niya si Madam Lucinda. Siya ang nagluwal sa kanya. "Heto na po ang plato mo, Ate Erlinda!" Napalingon kami kay Nida na may dalang isang plato at maingat na inilapag sa harapan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD