THIRD PERSON POV “We can submit everything to the court today so we can be given a schedule for the next hearing,” turan ni Nyx matapos niyang ilapag sa mesa sa harapan ni Daemon ang isang brown envelop na naglalaman ng DNA result nina Lucia at Jonnel. "Nakita mo na ba ang laman nito?" tanong ni Daemon habang nakatitig sa envelop. "Of course," nakangiting sagot naman ni Nyx. "Excuse me po, mga Sir," pagsingit naman ng kasambahay nilang si Belen habang may dalang tray na naglalaman ng dalawang tasa ng kape na umuusok pa. "Heto na po ang kape niyo." Tumango naman si Daemon at hinayaang ibaba nito sa mesa ang dalawang tasa. "Thank you. Gising na ba si Jonnel?" tanong ni Daemon kay Belen. "Hindi pa po sila bumababa ni Ate Erlinda," sagot naman ni Belen na may makahulugang ngiti. Napas

