Daemon Jr. IPINASOK na nga si Ria sa loob ng operating room at kami ngayo'y naiwan na dito sa labas. According to Doctor Morado, the surgery would take around 6 to 8 hours dahil malawak ang bahagi ng mukha ni Ria na kailangang ayusin, at kukuha pa sila ng balat mula sa iba't ibang donor sites sa katawan niya. Kailangan munang linisin at ihanda ng maigi ang damaged areas bago ilapat ang mga graft, kaya mas matrabaho at mas matagal ang proseso. She also said that applying the skin grafts to the face requires extreme precision to ensure proper healing and achieve the best possible result. So here we are—waiting, praying, and hoping that everything turns out well. Maging ako ay kinakabahan rin, at hindi ko lang 'yon ipinapahalata kanina kay Ria dahil alam kung 'yon din ang nararamdaman ni

