CHAPTER 59: Still Scandalous

1618 Words

Erlinda HUMINTO ang sasakyan namin sa tapat ng isang mamahaling hotel. Agad akong napalingon kay Sir Jonnel. "B-Bakit po dito?" Bigla akong kinabahan. Lumingon din naman siya sa akin at ngumiti. "We're going to eat here." "S-Sa hotel po?" "Yeah. There's a fine dining restaurant inside." Bumukas ang pinto sa tabi niya at agad na rin siyang lumabas. May itatanong pa sana ako pero hindi ko na nagawa. Inilahad niya ang kanan niyang kamay sa pinto. Umusod na rin ako patungo roon at tinanggap ito. Inalalayan niya akong makalabas. "Standby na lang kayo dito sa labas or kumain na muna kayo," aniya sa mga bodyguard namin habang inaabutan ang mga ito ng cash. "Hintayin niyo na lang ang tawag ko." "Copy, Sir," agad namang sagot ni Kiko. Pumasok na rin kami ni Sir Jonnel sa loob ng hotel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD