Erlinda LUMABAS sila ng elevator. Hinila naman ako ni Sir Jonnel patungo sa tabi niya. Napansin ko ang mariing pagtitig sa akin ni Raymond, lalo na sa dibdib ko hanggang sa mabasa ko ang makamundong pagnanasa sa mga mata niya. Agad kong itinakip ang hawak kong clutch bag sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi naman siya sa akin nang nakakaloko. Bumagsak naman ang mga mata ni Lucinda sa magkahawak naming mga kamay ni Sir Jonnel. Tumitig siya doon ng ilang sandali, bago mahinang tumawa na para bang amaze na amaze. "Wow... what's going on? Ano'ng meron?" tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Tinangka kong agawin ang kamay ko mula kay Sir Jonnel ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin habang mariing nakatitig kay Lucinda. "Don't te

