Chapter 14

3150 Words

NATAGPUAN ni Hannah si Dario sa mansiyon nito sa CDO. Nakaupo sa sofa sa bulwagan si Dario kausap ang asawa nito’ng si Martina. Hinintay niya’ng matapos ang pag-uusap ng dalawa. Nang umalis si Martina ay saka lamang niya nilapitan si Dario. Umupo siya sa katapat nitong sofa. “May kailangan ka?” kaswal na tanong ni Dario. “Gusto ko lang po kayong makausap tungkol sa tatay ko,” aniya. “Hm. Ano’ng tungkol sa tatay mo?” “Nagkita po kami,” walang abog na pagtatapat niya. Napamata si Dario. Diretso ang tingin nito sa kanyang mga mata at nababakas ang pagkasorpresa. “S-sigurado ka, Hannah?” hindi makapaniwalang untag nito. “Opo. Actually, dalawang beses na kaming nagkita. Kanina ay nagpakilala siya sa akin na siya si Demoti na tatay ko.” Pinagsupling ni Dario ang mga daliri nito at matiim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD