Chapter 13

2780 Words

BUMALIKWAS nang upo si Hannah nang makita niya sa kanyang isip ang senaryong hindi matanggap ng puso niya. Nakita niyang nilalamon ng apoy si Marcos hanggang sa maging abo ito. Humupa ang kaba niya nang mahinuha na panaginip lang pala ang nakita niya. Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakahiga siya sa malaking kama na may puting kobre. Namumuti ang buong paligid maging kisame. Naisip tuloy niya na nasa ospital siya. The room was almost empty. Tanging kama na hinihigaan niya ang naroon, isang silya at mesita sa may gawing kaliwa niya. Malamig din ang klima sa loob. Naibaling niya ang tingin sa puting aso na nilalaro ang kayang sapatos. Kinakagat-kagat nito ang isang pares. Iyon na ang aso na sasagipin sana niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay bakit naroon siya sa kuwartong iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD