“KANINA pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” ani ni Zack kay Hannah, na siyang gumambala sa kanya. Lumakad siya patungong kusina. Nakabuntot lang sa kanya ang binata. “Nag-distribute kami ng mga pagkain sa mga quarantine facilities,” sagot niya, pilit dumedistansya rito. “Bakit mo naman ako hinahanap?” “Hindi na talaga kita maintindihan. Ang sabi mo hindi ka na babalik sa mga Navas. Ano ba ang meron sa kanila? Halos wala ka nang oras para sa sarili mo,” palatak nito. Pagkapasok niya sa kusina ay kumuha kaagad siya ng karne sa refrigerator at sinimulan ang paghahanda para sa lulutuin niya. Hinayaan lang niya si Zack na maglitanya. “Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Hannah. You’re free then you’re here again, offering yourself to serve them. Bakit ba? Hindi ka ba masaya sa relat