PAGLABAS ni Hannah ng banyo ay nakahiga na si Marcos sa kaniyang kama. Binalot lamang niya ng tuwalya ang hubad niyang katawan. Kanina habang naliligo siya ay pinag-iisipan niya kung paano niya ipagtabuyan palabas ng kaniyang kuwarto si Marcos na hindi sasama ang loob nito. Alam niyang nag-matured na ito pero hindi niya maiwasang isipin na ito pa rin ang Marcos na inalagaan niya noon. “Wala ka bang balak lumabas? Matutulog na ako,” aniya nang mapansing dilat ang mga mata nito at nakatitig sa kanya. Naghahagilap siya sa maisusuot niyang damit sa kanyang tokador. “I want to sleep with you. Na-miss kitang katabi,” anito. Kinikilabutan siya. Kung noon ay gustong-gusto niya itong katabi, ngayon ay may iba na iyong kahulugan. Marahas niya itong hinarap. She has to show him that she’s not his