ALAS-DOSE na ng hating gabi natapos sa pagre-repack ng mga groceries sina Hannah at Janet. Hinihilut-hilot niya ang kaniyang batok habang naglalakad siya patungo sa kaniyang rest room. Huminto siya sa paghakbang nang mamataan niya si Marcos na nakaluklok sa labas ng kuwarto niya habang nakasandal sa likod ng pinto. Nakayuko ito. Nang malapitan niya ito ay umuklo siya sa harapan nito. Hinawakan niya ang baba nito saka iniangat ang mukha. Dumilat ang mapupungay nitong mga mata. Namumula ang magkabilang pisngi nito. Nasamyo niya ang apoy alak nitong hininga. “H-Hannah…” bigkas nito sa garalgal na tinig. “Lasing ka.” Inakay niya ito patayo. “When did you learn to drink liquor?” “f**k! I hate this feeling! I feel like s**t!” usal nito. Binuksan niya ang pinto ng kaniyang kuwarto saka igini