NAGKULONG si Hannah sa kaniyang kuwarto. Kahit may kumakatok ay hindi niya binuksan ang pinto. Nakaluklok lang siya sa kama habang nakasandig sa headboard at yakap ang mga tuhod. Natakot siya sa kaniyang sarili dahil sa hindi inaasahang reaksiyon niya kanina sa sinabi ni Zack ukol kay Marcos. Hindi iyon kayang tanggapin ng sistema niya−na ginawa lang siyang instrumento ni Marcos sa pangangailangang seksuwal nito. Hindi siya makapapayag na ganoon ang gawin sa kanya ni Marcos. Pero wala siyang nararamdamang negatibo sa naganap sa kanila ni Marcos. Ang umuusig sa kanya ay ang posibilidad na totoo nga ang sinabi ni Zack. Zack was good at predicting and he knows how to observe his fellow men. What if he’s right? Ano pa ang hahabulin niya kay Marcos? Magiging kahiya-hiya lamang siya dahil siya