HINDI mapakali si Hannah. Malamang pinaghahanap na ngayon ng mga tauhan si Marcos. Nasa labas siya ng clinic. Nang marinig niya ang boses ni Zack ay dagli siyang pumasok. Kausap na ito ni Charie. “Magpahinga po muna kayo, Sir,” ani ni Charie sa binata. Matigas ang ulo ni Zack. Parang walang nangyari dahil makinis na ulit ang mukha nito. Wala nang bakas doon ang mga kamao ni Marcos. Tuluyang itong bumangon nang makita siya. “Iwan mo na muna kami, Charie,” utos niya kay Charie. Tumalima naman ang dalaga. Hinila niya ang silya saka umupo roon habang kaharap si Zack. Nakaluklok na ito sa gilid ng kama. Nasa mga mata pa rin nito ang galit. “Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Marcos, Zack,” aniya. “No. Salbahe talaga ang Marcos na ‘yon! Noon pa man nahahalata ko na na mainit ang du