CHAPTER 24 SICK NAGTAKA si Ara nang tanghali na ay hindi pa rin niya makita si Ryan. Mukhang hindi pa ito bumabangon. Lumamig na rin ang niluto niyang almusal para sa kanilang dalawa. Natapos na rin siyang magdilig ng mga halaman sa hardin at maglinis ng bahay pero hindi pa bumababa ang lalaki. Nang mailagay ang mga labahin sa washing machine ay mabilis siyang pumanhik sa hagdan at kinatok sa silid ang binata. “ Ryan? ” tawag niya rito. Ngunit lumipas na ang ilang minutong pagkatok ay wala pa ring sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang seradora at lihim siyang nagpasalamat nang malamang hindi iyon naka-lock. Maingat siyang pumasok at tinungo ang tulog na tulog pa ring si Ryan. Balot ito ng makapal na comforter. “ Ryan, tanghali na. Hindi ka pa gutom? ” tanong niya. Umungol