CHAPTER 25 DAISIES ILANG sandali pa at nasa taniman na sila. Isinama siya ni Ryan ng araw na iyon dahil matatagalan daw ito sa plantasyon at maraming trabaho. Hindi man nito isatinig ay batid niyang takot itong iwan siyang mag-isa sa villa. Una siyang dinala ni Ryan sa plantasyon ng mga kape. Nakita niya ang maraming trabahante na nag-aani na ng mga hinog na bunga ng kape. Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang paligid habang si Ryan ay abala sa pagmamando sa mga trabahante. “ Ngayon ka pa lamang makapunta rito, hindi ba? ” Tahimik siyang tumango. Gusto niyang sabihin dito na paanong hindi siya nakapunta rito ay puro naman sa villa lang o kaya sa Stud para mangolekta ng dumi ng mga kabayo ang gusto nitong gawin niya. Paano niya maiikot ang buong Rancho Deogracia kung nagagalit nam