CHAPTER 26 Sweetheart? Ilang beses ba siya nitong tinatawag na Sweetheart? Nalilito siya sa lalaking ito. “ Alam mong hindi ako marunong mangabayo. ” Hindi maitago ang lungkot sa kaniyang mukha. “ Puwede naman kitang turuan, kung gusto mo. In three days, tiyak marunong ka na. ” “ Takot ako sa kabayo, ” amin niya. Batid naman niyang hindi ito lingid kay Ryan. Mahinang tumawa ang binata nang tumitig sa kaniya. Masama ang tinging ipinukol niya rito. Pero sa halip ay lalo itong tumawa. “ Nakakatawa? ” Hindi niya napigilang kurutin ito sa tagiliran. Tumatawang hinuli naman nito ang kamay niya. Napasinghap siya nang kabigin siya nito. Muntik na siyang sumubsob sa dibdib ni Ryan kung hindi lang niya naitukod ang kamay. Nag-init ang mukha niya dahil sa hiya nang makuha ang a