CHAPTER 27 Be Still, My Heart Inunat ni Ara ang likod at inikot-ikot ang balikat dahil sa pangangalay. Nakasalampak siya sa maliit na bangko sa loob ng laundry room. Sa harap niya ay ang napakaraming labahin. Nasa kalagitnaan siya ng paglalaba ng mga kumot at bedsheets nang biglang nasira ang washing machine. “ Ang sama naman ng araw sa akin, ” bulong niya habang nagkukusot. Namumula na nagsusugat ang kaniyang mga kamay dahil sa matapang na sabon. “ Hindi mo kailangang lkusutin ang mga iyan, Ara. ” Napatuwid siya nang upo nang marinig ang boses ni Ryan sa kaniyang likuran. Mula sa pintuan ng laundry area ay pumasok naglakad palapit si Ryan sa kaniya. Mukhang kadarating lamang nito, dahil nakasuot pa ng sumbrero at boots. “ Nasira ko yata ang washing machine, ” pagtatapat niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books