***** CARA ***** Bumaba ng hagdanan si Cara. Tuloy-tuloy siya sa kusina upang makita at makausap sana ang kanyang mama. Aalis siya mamaya kaya magpapaalam siya. She will return to Manila again. Buo na ang kanyang plano na kagabi niya pinag-isipang maigi. “Ma?” tawag niya sa ina. Ngunit wala roon si Aling Marina kundi ang papa niya na nagluluto. “Pa, si Mama?” “Nasa labas kausap ang Tita Luciana mo.” “Sige, Pa, puntahan ko sila. Kailangan kong makausap si Mama, eh.” Akmang aalis na siya pero tinawag siya ng papa niya kaya balik tingin siya rito. “Anong nangyari pala sa lakad niyo ni Zio kahapon? Nagkaayos na ba kayo ni Evo?” Dahan-dahan na nagkuyom ang mga kamay niya sa magkabilang tagiliran niya. At nakita iyon ng ama niya. Napabuntong-hininga si Mang Dado. “Sige na puntahan mo na