***** CARA ***** Evo was no longer at home when she woke up. Kanina ay nagising siya noong hinalikan siya ni Evo sa noo. Nagpaalam na papasok na sa trabaho dahil may mahalagang meeting na naman daw. Sinabi kahit na tulog siya. Naramdaman nga niya ang masuyong halik nito sa kanyang noo. Nagtulug-tulugan naman siya kaysa ang maapektuhan. Ang hindi niya inasahan ay makakatulog siya ng totoo. Bumangon na siya at tinungo ang silid nilang mag-asawa. Sa banyo agad siya pumasok. Hindi dapat siya magsayang ng oras. This is the perfect day para umpisahan ang nais na niyang tapusin. Kay bilis na naligo siya. At nang nagbihis ay off-shoulder black jumpsuits ang kanyang natipuhang outfit. Malinis na itinali niya ang lahat ng kanyang buhok, na binagayan niya fierce make-up. Iyung bang parang may