***** CARA ***** Ang pagnanais na makipag-ayos ni Cara kay Evo ay hindi nangyari dahil sa text na naman na kanyang na-receive mula sa mystery texter niya. All of a sudden, she changed her mind. Nakapagdesisyon siya na makipagkita muna sa mystery texter niya bago puntahan si Evo. Nais niyang alamin muna ang tinukoy nito na dapat niyang malaman tungkol kay Eunice. Naisip niya kasi na kung tungkol kay Eunice iyon ay siguradong may kinalaman din kay Evo. At iba na naman ang kutob niya. Tinatambol na naman ng sar-saring kaba ang dibdib niya tulad noon. Ang ending nila ni Zio ay sa isang restaurant kaysa sa bahay nila ni Evo. Tinawagan niya si Rucia nang nag-o-order ng pagkain si Zio ng kakainin nila. “Wala na si Evo roon kanina pang madaling araw, prend. Nang nagising siya ay umuwi na