***** CARA ***** “Yes, Cara. Ako ang nagti-text sa’yo,” pagkumpirma ng binatang doctor bago pa man niya maitanong ang gumulo sa kanyang sistema. Unti-unti siyang napatayo. Shook her head. This is absurd! Pati man si Zio ay napatayo. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Nagtataka rin. “B-but why?” garalgal na tanong niya nang mahagilap niya ang kanyang boses. Noon lang niya namalayan na hindi na pala siya humihinga. She reminded herself to breath. Ngumiti sa kanya si Doctor Lozada tapos ay kay Zio. Pagkuwan ay parang wala lang na napahawak sa tiyan. As if it wasn’t a big deal that he was the mystery texter. “Can we eat first? Gutom na ako. Nag-order na kayo?” Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo. Mayamaya pa ay inalok ni Zio ang upuan sa doktor. “Upo ka, p’re.”