***** CARA ***** Sa mga sumunod na mga araw ay hindi na halos nakita at nakausap ni Cara si Evo. Sa tuwing magigising siya ay nakaalis na ito. Ni hindi niya namamalayan kung anong oras itong umuuwi. At hindi niya alam kung sadya ba siya nitong iniiwasan kaysa ayusin ang gulo nilang mag-asawa o busy lang talaga sa trabaho. Gayunman ay hinahayaan na lang niya dahil ayaw naman niya pa rin na magkaayos silang mag-asawa. Kung busy si Evo ay busy rin siya sa pagmatyag dito. “Cara, sa tingin ko ay nag-iingat ang dalawa kaya wala pa rin tayong natityempuhan. Magaling magtago ang gaga,” sabi ni Rucia nang nasa tapat na naman sila ng bahay na sinasabi nitong love nest nina Evo at Eunice. Mga higit apat na oras na sila roon. Ang driver nga ng taxi na lagi nilang inaarkela ay nakatulog na sa kahihin