***** EVO ***** “Tama na, p’re. Lasing ka na.” Inagaw ni Joem ang botelya ng alak sa kamay ni Evo. Kulang na lang kasi ay ngumuyngoy na si Evo sa kinauupuan dahil sa kalasingan pero sige pa rin ito sa pagtungga. “Hayaan mo lang ako, p’re. Kahit ngayon lang ay gusto kong mawala ang mga sakit sa dibdib ko. Ang mga lintik na problema ko. Kung nagagalit na si misis ay sige na pumasok ka na sa loob. Go on. Kaya ko nang mag-isa rito,” halos hindi na maintindihan na sabi rito ni Evo. Napakabilis na inagaw niya ang botelya ng alak at tinungga. Kahit lasing na siya ay may hiya pa rin siya dahil naririto sila sa bahay nina Joem. He knew he was already a nuisance to the couple but he had no choice. Mas gusto niya rito na magpakalasing at hindi sa kung saan-saan. Nailing-iling na lang si Joem. Ito