***** EVO ***** Napalingon si Evo nang maramdamang may tao sa likod niya. Nakatayo siya sa may bintana at pinag-iisipan ang gulong nangyari kanina sa pagitan nilang mag-asawa. At inakala niyang bumalik si Cara sa kanilang silid, pero hindi pala. Si Eunice pala. “What the hell are you doing here?” he asked, uttering his words. Lumipad sa pinto ang kanyang tingin sa takot na baka pumasok din ang asawa. “Kumusta ang pag-uusap niyo ni Cara?” “Hindi ka niya pinuntahan sa sala?” nagtakang tanong niya. “No. Nakita ko na lang kanina na pumasok siya sa study room niya.” Pagkasabi niyon ng dalaga ay walang alangang yumakap ito sa kanya. “Eunice, ano ba?!” pagalit niyang saway. Pinalis niya ang kamay nito sa takot na baka biglang pumasok din talaga si Cara. “Nandito tayo sa bahay and my wife is