***** EUNICE ***** Pagkatapos ng tila napakahabang araw ay nag-siesta muna sila ni Cara habang hinihintay si Evo. Madilim na pero naroon pa rin sila sa balkonahe ng bahay. Doon kasi ay kita nila agad kapag darating na si Evo. Nagpasya si Eunice na hindi iwanan si Cara at baka kung ano ang maisipang gawin ng kaibigan. Sasamahan niya ito hanggang sa makapag-usap nang maayos ang mag-asawa. Kung kailangang bukas na siya uuwi ay ayos lang basta makita lang niya na magkaayos ang dalawa. “Patay na ang kanyang cell phone,” naiiyak na naman na imporma ni Cara. Kinuha niya ang cell phone nito at pinatay tapos ibinalik din. “Huwag mo nang tawagan at baka pauwi na siya. Payapain mo ang isip mo. Huwag ganyan na nag-iisip ng kung anu-ano.” After maibulsa ang kanyang phone ay naitakip ni Cara ang d