***** EUNICE ***** “BESH, tama ba itong ginagawa natin? Mukhang wala namang ginagawa na masama ang asawa mo. Tingnan mo nga ni hindi man lang lumabas sa building at wala yatang balak man lang.” Eunice’s facial expression tells she’s already bored. Cara blew out a sigh. Naiintindihan nito ang kaibigan dahil kanina pa sila rito ni Eunice sa labas ng building ng gaming company ni Evo. Dito sa sikat na café. Nakailang frappe na nga si Eunice. Sa kasamaang palad ay kahit mukhang gabihin or umagahin yata sila sa paghihintay ay wala silang makikita ngayon na ginagawang kalokohan ni Evo. Sure naman sila na naroon sa loob si Evo dahil tinanong kanina ni Eunice ang guwardya at kinumpirma na nasa loob nga si Evo. Si Eunice ang inutusan niya dahil kilala siya ng guwardya, kahit ang ilang emplyado n