***** EUNICE ***** MULA sa school hanggang sa makarating si Eunice sa kanyang bagong tinutuluyan ay okupado pa rin ng isip niya ang nalaman niya na may hinala na si Cara kay Evo. Hindi niya man pinahalata kanina sa kaibigan pero grabe ang kanyang kaba. Until now, the word ‘GUILTY’ was written all over her face in flashing bold letters. Kinakalaban lang niya. Sinisiksik lang niya sa isipan niya na mas mainam nang siya ang babae ni Evo kaysa sa Rucia na iyon o ibang babae. Nang pihitin niya ang seradura ay nagsalubong ang kilay niya nang makita niyang bukas ang lampshade ng sala at may bulto ng tao na nakaupo sa pang-isahang sopa na tila hinihintay talaga siya. “What took you so long? Pinapunta mo ako rito pero ang tagal mo naman.” Nagliwanag ang buong sala nang ini-on ang switch ng ilaw