***** CARA ***** “Eunice, hayaan mo na sila!” pigil ni Doctor Lozada sa medyo malakas na tinig nang aktong susundan pa rin ni Eunice sina Evo at Cara nang napansin ng dalaga ang paglabas ng mag-asawa kasama na ang dalawang asungot sa bahay nito. “Huwag ka ngang pakialamero! Stay out of my s**t!” subalit ay singhal ng dalaga sa doktor. Hinu-hook nito ang bra habang pasunod sa mag-asawa nang may pagmamadali. “Hon, hindi na kita mabigyan ng---“ “Evo!” Napakalakas na sigaw ni Eunice nang marinig iyon upang pigilan si Evo sa pag-amin kay Cara. Hindi puwede na malaman ni Cara ang kondisyon ni Evo kundi ay matatapos na ang ligaya nila ni Evo. Siguradong maaawa si Cara kay Evo. Siguradong magkakaunawaan na dalawa. At siguradong magkakapatawaran dahil kahit nagmukhang demonyita kanina si Cara